๐ฉ๐ถ๐ฎ ๐๐ฒ๐๐ถ๐ป ๐๐น๐ณ๐ฟ๐ฒ๐ฑ ๐๐ผ๐น๐น๐ฎ๐ป๐๐ฒ
Walong pambato ng Pilipinas ang nakatakdang sumabak sa 8th Lion City Cup, ang pinakamalaking lawn bowls tournament sa Singapore, na gaganapin mula Hulyo 6 hanggang 12 sa Kallang Lawn Bowls Green at Tanglin Club Sports Center.
Binubuo ng mga beterano at bata, aarangkada para sa Pilipinas sina Ainie Knight at Marisa Baronda-Johnson (womenโs pairs), Elmer Abatayo at Ronald Lising (menโs pairs), James Christian Andia at Angelito Barro II (U25 boys pairs), at Angeleca Abatayo at Andrea Abatayo (U25 girls pairs).
Ikinatuwa naman ng Philippine Lawn Bowls community ang muling pagsabak ng bansa sa prestihiyosong torneo kung saan ilang beses nang nakapag-uwi ng medalya ang Pilipinas, kabilang ang podium finishes ng duo nina Baronda at Rosita Bradborn sa mga nakaraang edisyon.
โItโs going to be a tough competition with Australia, New Zealand, Malaysia, Hong Kong, Thailand, and India, these are powerhouse countries,โ ani Ronalyn Greenlees, team manager at Level 2 international coach.
โEven host Singapore has improved a lot. Of course, the Philippines is also strong. So we just continue training. Like what they say, the ball is round,โ dagdag pa ni Greenlees, na dati ring multi-medalist sa international lawn bowls competitions.
Ang torneo ay kinikilala ng World Bowls at may kalakip na world ranking points para sa mga mananalo, dahilan kung bakit inaasahang magiging mahigpit ang labanan sa bawat event.




