Binarikadahan ng AP Bren Rough World Era ang bugso ng RRQ Kaito na angkinin muli ang titulo matapos ang isang 6-game matchup, (4-2) sa MDL Philippines Season 6 Grand Finals na iginanap via online match, Oktubre 19, 2025.
Pinagtibay ng APBRW ang hindi matatakasang crowd control plays kasabay ang isinalpak na suporta ng kanilang damage dealers upang lusawin ang pag-asa ng Kaito na ulitin ang storya sa nagdaang season g nasabing torneyo.
Sa unang laban pa lang, Agad na nagpasiklab ang AP Bren Mid Laner Ervin “Vinnn” Franco kontra sa RRQ matapos ang 2/2/11 KDA mula sa 93% kill participation upang maitarak ang unang panalo sa best of 7 series.
Bitbit ang upper hand sa unang match, Tuloy pang pinarada ng yellow-clad squad ang momentum sa unang match sa likod ng crowd control combo ng Gatotkaca ni Reginald “Regi” Agustin at Suyuo ni Ron “Matt” Papag upang mabilisang mapitas ang kontra na naging susi upang mahablot ang early gold lead.
Patuloy na kontrolado ng Rough World Era ang Land of Dawn matapos ang iskor na 15-6 kasabay ang 10k gold lead na siyang nagpaangat sa AP Bren para sikwatin ang ikatlong sunod-sunod na panalo sa serye.
Rumatsada pa ang Rough World Era sa isang 15-6 third game beatdown kasabay ang 10k gold lead sa pamamagitan ng quick ambush plays at objective steals ni Papag na siyang umangat sa Bren para sikwatin ang ikatlong sunod-sunod na panalo sa serye.
Ngunit sinubukang ipawi ng panig ng RRQ Kaito ang pagkalugmok matapos itong akayin ni Kelvin Chen matapos ilabas ang utility hero na si Alpha sa ikaapat na match at Hayabusa sa ika-limang laban na nagsilbing instrumento upang masigurado ang objectives para ikubra ang dalawang magkakasunod na pananaig kontra sa AP Bren na nagpaigting sa bakbakan.
Ngunit, agad namang rumesponde ang APBRW jungler nang ilabas nito ang MVP gameplay na Julian kasabay ang pulgada perpektong set ni Agustin na nagpalusaw sa tsansa ng RRQ na muling makopo ang titulo sa loob ng anim na laban.
Aariba ang APBRW sa susunod na season ng MDL PH upang depensahan muli ang kampeonato.
via Joaquin Dellomo




