Bigong naipreserba ni Alex Eala ang kaniyang early stomp kontra kay Claire Tiu ng Estados Unidos matapos ang pukpukang 6-2, 4-6, 4-6 na nagbunsod ng early exit sa Guangzhou Open Lawn Tennis Singles Round of 32 sa China, Oktubre 21.
Bumwelo ang Filipina tennis ace sa unang salpukan pa lamang nang iparada nito ang quick forehand smash ngunit hindi ito nagtagal dahil sa ibinalandrang mala-cinderella run ni Tiu dahilan upang umalagwa ito sa Round of 16.
Tinangka ni Eala na ipagpapatuloy ang kaniyang bugso mula first game matapos maipasada ang early 4-2 burst sa likod ng cross-court attacks.
Ngunit hindi nagpatinag ang WTA No. 305 na si Tiu nang rumesponde ito sa pamamagitan ng apat na sunod-sunod na service ace para maipuwersa ang deciding set at maitabla ang talaan.
Muling pinalobo ng Filipina ace ang bentahe sa decider set nang ikartada nito ang early 3-1 lead bago ito ungusan ng American tennister na siyang nagtuldok sa kaniyang kampaniya sa nasabing torneyo.
Nabigo man sa kategoryang singles, inaasinta pa rin ng Pinay ang kampeonato sa women's doubles kasabay si Nadiia Kichenok na tutuosin ang sina Tang Qianhui at Emily Appleton upang selyuhin ang Round 16 win.




