Bumalikwas ang 18-anyos na Cue Artist na si Aj “Starboy” Manas kontra sa World Ten-Ball Champ, Carlo Biado upang masungkit ang tiket tungo sa titulo, 10-7, sa Last 32 2025 Phillipines Open Pool Championship, kahapon, na ginanap so Gateway Mall, Cubao, Quezon City.
Pinalakas ni Manas ang kaniyang taktika matapos hasain ang kaniyang mga break shots at offensive play, binuwag ang depensa ni Biado at dinomina ang entablado upang maagaw ang pwesto tungo sa Last 16
Bumarikada si Biado dala ang 7-5 na early lead at dumepensa sa pwesto, tumirada sa bangko, at kinontrol ang bola upang pabagalin ang takbo ng laro.
Ngunit tila nagmamadali si Manas at rumatsada ng limang sunod-sunod na racks, na nagpakitang gilas sa mga manonood, dala ang smooth na pagkontrol at matalas na positioning.
“Parang beterano ang laro niya,” ani ni Biado
Sa huli, hindi na nagpatumpik-tumpik pa si Manas at tinapos ang laro sa iskor na 10-7, sapat pang makapasok sa susunod na yugto ng laro.
“Bawat tira, bawat rack, pinokus ko talaga. Alam kong kailangan kong manatiling kalmado,” dagdag ni Manas.
Dahil sa sipag at determinasyon ng rising star cue artist, nasungkit ni Manas ang kaniyang inaasam-asam na pasaporte tungo sa susunod na yugto ng laro, dala ang bandera at inspirasyon bilang isang atletang Pilipino.
Aariba si Biado sa Last 16 POPC, kung saan niya makakaharap si Paolo Gallito para depensahan, at agawin ang kampeonato




